Tulog na anak at bukas Ay may umagang darating Minamasdan kita habang tulog Na parang isang bituin Kahit pa iniwan tayo ng iyong ina Dahil ako'y mahirap Kaya't sumama sa iba
Ngayon ika'y musmos pa lamang Tatlong taong gulang Lahat ay gagawin, haharapin Mapag-aral ka lang Upang maabot mo Buhay na pinapangarap ko At iyong malisan Hirap na kinamulatan ko
Lumipas ang ilang taon Ako ay umalis At sa malayong pook Ako ay nag-tiis Larawan mo ang Laging hawak hawak ko Ano mang dusa, ito ay kakayanin ko
Ako ay nagbalik Sa araw ng 'yong kaarawan Malayo pa lamang nakita ko na Ako'y kinabahan, bakit maraming ilaw Sa loob ng aming tahanan? Ako'y lumuluha Mukha mo a'y pinagmamasdan
Paalam na aking anak At sa gabing darating Ako ay titingala At hahanapin ka sa mga bituin